Sunday, November 17, 2013

Barangay officials na may kaso sa COMELEC sa E. Visayas malabo nang mapatalsik

ANG mga nanalong barangay officials sa Eastern Samar na may kinakaharap na election protests kaugnay sa katatapos na October 28 barangay polls, ang maaaring makinabang sa pananalasa ng bagyong Yolanda sa kanilang lugar noong Nobyembre 8.


Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr., dahil sa pananalasa ng super bagyo ay lumabo ang tiyansa na mapatalsik sa puwesto at mabawi pa ang proklamasyon sa mga kinukwestiyong nanalong barangay official.


Ani Brillantes, ito ay kung wala namang maipakikitang ebidensiya ang kanilang mga katunggali na hindi sila ang tunay na nanalo sa katatapos na halalan.


Ipinaliwanag ni Brillantes na ilan sa mga maaaring gamiting ebidensiya laban sa mga barangay officials na mayroong election protests ay mga balota at mga election returns (ERs).


Gayunman, ang mga naturang official ballots at ERs ay pinangangambahang kasama sa mga sinira ng super typhoon.


Matatandaang maging ang mga government offices sa Eastern Visayas ay hindi nakaligtas sa pananalasa ng super bagyo.


Sinabi naman ni Brillantes na sa ngayon ay nasa proseso pa sila ng pag-account sa mga election documents at records sa kanilang field offices sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.


The post Barangay officials na may kaso sa COMELEC sa E. Visayas malabo nang mapatalsik appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Barangay officials na may kaso sa COMELEC sa E. Visayas malabo nang mapatalsik


No comments:

Post a Comment