Sunday, November 3, 2013

Luis at Jennylyn, dapat nang magsalita

ILANG araw pagkatapos ng sumabog ang break-up nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado ay nagkaroon kami ng pagkakataon na pumasyal sa bahay ni Luis sa Green Meadows, nang mag-text ang TV host/actor na dumaan sa bahay para sa importanteng bagay na ibibigay niya sa amin.



Ang naturang bahay ni Luis sa Green Meadows ang naisulat namin noon na ibinigay ni Ate Vi sa kanya at ipina-renovate niya nang bonggang-bongga.


Banggit ng dinatnan naming personal assistant ni Luis ay pagmamay-ari na raw mismo ng aktor ang naturang bahay. In fairness, napakalaki ng ipinagbago ng dating tirahan nina Ate Vi at Sen. Ralph Recto. Napakaganda at mas lumaki pa ito. Pati bakod ay ipinaayos din.


Kumpleto na sa mga kagamitan ang bahay na napahanga kami sa pagkakaayos. Banggit pa ng inurirat naming kasambahay, tinutukan mismo ni Luis ang renovation kaya akmang-akma sa panlasa ng actor ang itsura nito. Pati nga raw si Ate Vi ay gulat na gulat sa malaking pagbabago sa bahay. Samantala, ayaw magbigay ng anumang pahayag si Luis tungkol sa kung anu-anong isyung naglalabasan tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Jennylyn.


Kung sinu-sino na ang nadadamay ngayon sa hiwalayan nila. Nauna na si Dennis Trillo (ex-boyfriend ng aktres) na nakita na nag-date. Pero agad namang pinabulaanan ito ng aktor.


Pati na rin ang nanahimik sa isyu na si Sen. Bong Revilla Jr. ay nadadamay din sa break-up ng dalawa, huh!


Hindi kaya dapat nang magsalita na ang isa man kina Luis at Jennylyn? –Jimi Escala


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Luis at Jennylyn, dapat nang magsalita


No comments:

Post a Comment