Friday, November 8, 2013

Mariel at Robin, palitan ng TV network

Ni Jimi Escala


Mariel Rodriguez KINUMPIRMA ng spy ang sinulat ni Reggee Bonoan na magbabalik sa ABS-CBN si Mariel Rodriguez.


Malaki raw ang kinalaman sa pagbabalik-Kapamilya ni Mariel ng kanyang ama-amahan sa showbiz na si Boy Abunda. Pagkatapos mawala sa ere ang programa ni Willie Revillame sa TV5 ay wala nang trabaho si Mariel.



Hindi pa binanggit sa amin ng source kung saang programa sa Dos isasama si Mariel. Bukod daw sa naturang programa ay maaari siyang isama sa isang serye ng network. Hindi pa matiyak ng source ang assignments ni Mariel dahil under negotiations pa ang lahat dahil meron daw pumipigil kay Mariel, huh!


Kung magbabalik Kapamilya raw kasi si Mariel ay malamang na sa TV5 naman gagawa ng bagong TV show ang asawa niyang si Robin Padilla. May mga ilang paguusap na raw between Robin and TV5 management, isa o dalawang meeting na lang daw ay malamang na Kapatid talent na si Binoe.


Samantala, nang makausap namin ay inamin ni Mariel na malaki ang nabago sa kanya simula nang maging Mrs. Robin Padilla siya.


“So many things have changed, I’m a farmer now. I really love everything organic. Nagtatanim ako ng sarili kong gulay but I only have like a tiny backyard. So far, do’n pa lang sa mga pasu-paso,” aniya.


Tuwang-tuwang ipinagmalaki ng actress/TV host na masayangmasaya siya ngayon.


”I’ ve been constipated all my life, now I go regularly. I’m so happy, we’re very happy,” sey niya


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Mariel at Robin, palitan ng TV network


No comments:

Post a Comment