Friday, November 8, 2013

Inaway ni misis, mister nagbigti

Isang 27-anyos na lalaki ang nagpakamatay nang hindi makayanan ang pang-aaway ng kanyang misis, Huwebes ng madaling araw sa Pasay City.


Kinilala ang biktima na si Arvie Ramos, cook sa motel, at nakatira sa No. 343 Taylo St., Bgy. 55, Zone 7, Pasay. Nabatid na dakong 5:00 ng umaga nang madiskubre ni Julie Ann, 28, ang pagbibigti ng asawa gamit ang nylon cord na itinali sa itaas ng kahoy sa mismong pintuan ng kanilang bahay.



Batay sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabutin, huling nakitang buhay si Arvie dakong 1:00 ng madaling araw nang magtalo sila ni Julie Ann. – Nannet Valle


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Inaway ni misis, mister nagbigti


No comments:

Post a Comment