Thursday, November 14, 2013

Marian, sexier, bolder at daring sa bagong kalendaryo

MARIAN Rivera poster


ni Reggee Bonoan


NAGBABALIK Ni Reggt bilang Ginebra San Miguel calendar girl sa 2014 si Marian Rivera pagkalipas ng limang taon.


Sa press launch, ipinakita sa entertainment press ang tatlong sexy photos ng aktres na gagamitin sa calendar na ire-release para sa 180th anniversary ng nasa bing inumin.



Marami ang nagulat sa pictorial ni Marian sa nasabing kalendaryo dahil sexier, bolder at daring ang dating niya, ibang-iba sa kanyang 2009 calendar na nakabalot pa siya.


At sa one-on-one interview sa aktres, napag-usapan ang intriga sa pagkakapili sa boyfriend niyang si Dingdong Dantes bilang youth ambassador ng National Commission for the Culture and the Arts (NCCA).


“Hindi ko rin alam kung nasa posisyon ako para sagutin ang mga ‘yan pero nagtitiwala ako na inilagay ang bawat artista o nakaposisyon diyan dahil may kinalaman sila diyan at dahil alam nila na makakatulong. At imbes na husgahan natin sila,

suportahan na lang natin sila,” sagot ng aktres.


Napag-usapan din ang intriga na mas kumita raw ang pelikula ni Dingdong sa Star Cinema (She’s The One) kasama si Bea Alonzo kump’ara sa pelikula nila ni Ai Ai de la las na Kung Fu Divas.


“Okay lang, ganu’n talaga ang buhay. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, eh, kailangang blockbuster ka,” aniya. “Ang importante, eh, masaya kami ni Ate Ai Ai, kami ng mga direktor kung anuman ang income at may mga taga-ibang bansa na gustong kunin ang pelikula namin at aaminin ko na kumita kami, hindi nga lang ganu’ n kalaki,” katwiran ng aktres.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Marian, sexier, bolder at daring sa bagong kalendaryo


No comments:

Post a Comment