Thursday, November 14, 2013

UPDATE: Patay kay ‘Yolanda’ 2,600 na

MAHIGIT 2,600 katao na ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Yolanda sa Visayas may isang linggo na ang nakararaan.


Ito ang mismong kinumpirma ni Interior Sec. Mar Roxas.


Karamihan sa mga namatay ay mula sa Leyte lalo na sa Tacloban.


Tinatayang nasa 1.7 million namang pamilya o katumbas ng 8 milyon katao ang naapektuhan ng kalamidad mula sa Regions 4-A, 4-B, 5, 6, 7, 8, 10, 11 at CARAGA.


Sa ngayon ay mahigit sa kalahating milyong katao pa ang patuloy na inaayudahan ng gobyerno na karamihan ay nasa evacuation centers.


The post UPDATE: Patay kay ‘Yolanda’ 2,600 na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: Patay kay ‘Yolanda’ 2,600 na


No comments:

Post a Comment