Thursday, November 14, 2013

Bahagi ng NLEX mula Sta. Rita hanggang San Fernando, gagawing 6 lane

GAGAWIN nang anim na linya ang kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) mula sa Sta. Rita exit sa bayan ng Guiguinto sa Bulacan hanggang sa San Fernando, Pampanga.


Ayon kay Manila North Tollways Corporation (MNTC) President Rodrigo Franco, buo na ang plano para sa pagpapalapad sa naturang bahagi na madalas magkaroon ng pagsisikip ng trapiko lalo na tuwing Undas, Kapaskuhan, at Mahal na Araw.


Nakasaad sa plano ng MNTC, tatambakan ang kanang bahagi ng magkabilang panig ng NLEX upang magkaroon ng karagdagang isang linya kaya’t magiging tatlong linya na patungong Norte at ganoon din sa patungong Maynila.


May habang 24 kilometro mula Sta. Rita hanggang San Fernando kung saan kasama rito ang Candaba Viaduct na may habang pitong kilometro.


Pasisimulan ang pagsasaayos oras na makakuha ng notice to proceed ang MNTC sa Toll Regulatory Board.


The post Bahagi ng NLEX mula Sta. Rita hanggang San Fernando, gagawing 6 lane appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bahagi ng NLEX mula Sta. Rita hanggang San Fernando, gagawing 6 lane


No comments:

Post a Comment