Friday, November 15, 2013

Malampaya fund, dapat gamitin sa rehabilitasyon—Trillanes

Ni Leonel Abasola


Isinusulong ni Senator Antonio Trillanes IV ang paglikha ng isang National Calamity Recovery, Rehabilitation and Reconstruction Fund, na magbibigay ng dagdag na pondo para sa rehabilitasyon at pagpapatayo ng mga pampublikong imprastruktura, bahay at komunidad sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad.



Sa kanyang Senate Bill No. 1917 o ang National Calamity Rehabilitation Act, may kabuuang P50 bilyon ang ilalaan para sa nasabing hakbangin. Ito ay kukunin mula sa net government share na nalikom mula sa Service Contract No. 38, na pinahihintulutan sa ilalim ng Section 8 ng Presidential Decree (PD) No. 910, o ang Malampaya Fund.


“Itinutulak ang pag-amyenda sa 2014 General Appropriations Act (GAA) upang magkaroon ng dagdag na pondo ang Ehekutibo para sa agarang pag-responde sa mga nasalanta, nangangailangan pa rin ng malalaking pondo at ng isang legal framework na susuporta sa pangmatagalang rehabilitasyon at rekonstruksiyon ng mga komunidad na nasira at nawasak ng sunud-sunod na kalamidad,” ayon kay Trillanes.


Layunin ng SBN 1917 na lumikha ng isang National Calamity Recovery, Rehabilitation and Reconstruction Commission na siyang mamamahala sa tamang paggamit ng pondo, kasama na ang pagsasa-ayos ng mga prayoridad na programa at proyekto na siyang popondohan nito.


“Ang Malampaya Fund, na may kasalukuyang pondo na P137.3 bilyon, ay nilikha upang pondohan ang mga energy resource exploration, development, at exploration programs ng gobyerno. Ngunit, base sa datos, madalas ay hindi nagagamit ang pondo para sa nasabing layunin. Nararapat lamang na magsabatas ng isang panukala na magsasa-ayos sa paggamit ng nasabing pondo upang makinabang ang mga mamamayan, lalo na ang mga nasalantang komunidad upang mas mapabilis ang kanilang pagbangon,” ayon kay Trillanes.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Malampaya fund, dapat gamitin sa rehabilitasyon—Trillanes


No comments:

Post a Comment