Saturday, November 9, 2013

Japan, US, Thai at China imports, magpapa-init sa PSL Grand Prix

Ni Angie Oredo


Pag-iinitin ng apat na banyaga, palagian nang naghaharap sa World Grand Prix, ang paghataw ngayon ng Philippine Super Liga Grand Prix 2013 sa San Juan Arena.


Ipakikilala mismo nina PSL president at SportsCore CEO Ramon “Tats” Suzara at PSL Chairman Philip Ella Juico, kasama si league Commissioner Ian Laurel, ang anim na koponang kalahok sa women’s division at apat na tropang kasali sa unang men’s club division.



Ipaparada ng nagpalakas at nagbabagong bihis na Cagayan Valley Lady Rising Suns, asam na masungkit ang unang titulo sa liga, ang Thai players na sina Patcharee Sangmuang at Wanida Kotruang.


Ipapamalas naman ng Petron ang napili nilang Japanese imports na sina Misao Tanyama at Shinako Tanaka. Si Tanyama ay isang setter at tinanghal na MVP sa Mongol League at Asian Women’s Jr. Championships kamakailan. Si Tanaka, outside hitter, ay matagal na naging miyembro ng Japanese national women’s volleyball team.


Magsisilbi namang pampainit sa Miyerkules (Nobyembre 13), sa ganap na alas-2:00 ng hapon, ang men’s match sa pagitan ng Systema at Gilligans, bukod pa sa nakatakdang dalawang laro sa women’s division sa pagitan ng PLDT kontra Cignal sa alas-4:00 hapon at salpukan ng RC Cola laban sa TMSArmy sa ganap na alas-6:00 ng gabi sa Ynares Arena sa Pasig.


Pinatili ng TMS-Army, hangad ang back-to-back crown, ang komposiyon ng koponan habang idinagdag ang dating Far Eastern University stalwart na si Rachel Anne Daquis. Pinalakas pa ng Lady Troopers ang kanilang tropa sa pagkuha kay Yuki Murakoshi ng Japan at Thailand national team member na si Winitchaya Luangtonglang.


Pilit namang makikipagsabayan ang Cignal, pumangalawa sa PSL Invitationals, na sungkitin ang titulo na humulagpos sa kanilang mga kamay sa unang kumperensiya kahit na hindi kasama ang kasalukuyang MVP na si Venus Bernal, iniulat na hindi makalalaro dahil sa knee injury.


Gayunman, aasa ang Cignal sa bagong manlalaro na si Jheck Dionela (Cagayan) at Chie Saet (Bingo- Milyonaryo) para sa HD Spikers, kasama ang mga rookie na sina Lilet Mabbayad (UST) at Abigail Praca (University of San Jose-Recoletos). Tutulungan din ito ng pares ng Chinese imports na sina Xie Lie at Zhanzhan Li.


Napasakamay naman ng PLDT ang serbisyo ni two-time V-League MVP na si Sue Roces, dating national team member Nica Guliman at beteranong setter na si Rubie de Leon, habang napanatili nila ang mga scorer na sina Angela Benting at Lou Ann Latigay. Idagdag pa ang dating Petron middle blocker na si Charo Soriano at libero ng Bingo na si Sher Peñano.


Makakasama ng Speed Boosters ang setter na si Kaylee Manns at middle/opposite Savannah Noyes bilang mga import

mula naman sa Estados Unidos.


Kabilang naman sa RC Cola lineup si Bernice Co ng De La Salle at dating UP Lady Maroons Jed Montero, Southlyn Ramos at Michiko Castañeda. Gigiyahan ni Ronald Dulay ang koponan na palalakasin nina Sontaya Keawbundit na mula sa Thailand at Zhang Minghua ng China.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Japan, US, Thai at China imports, magpapa-init sa PSL Grand Prix


No comments:

Post a Comment