Sunday, November 17, 2013

Foreign graft buster: ‘People power’ vs katiwalian

Ni Jun Ramirez


Ibinahagi ng isang banyaga, na kilala sa buong mundo sa paglaban sa katiwalian, ang kanyang seven-point formula upang masawata ang salot sa ilang gobyerno sa mundo, kabilang ang Pilipinas.


Bagamat itinuturing ng marami ang kanyang game plan bilang “mission impossible” na mahirap ipatupad, sinabi ni Bertrand de Speville, na dating commissioner ng Independent Commission against Corruption ng Hong Kong, na maraming bansa ang gumagamit na ng kanyang formula.



Sa kanyang talumpati sa Integrity and Good Governance Forum ng Office of the Ombudsman (OMB) sa Makati City, sinabi ni De Speville na ginagamit na, hindi lang ng Hong Kong ngunit maging ang Singapore, ang kanyang formula laban sa katiwalian.


Iginiit ni De Speville ang tatlong mahahalagang bagay upang maging tagumpay ang pagpapatupad ng anti-graft formula people power o suporta ng sambayanan, sapat na kagamitan, at “will-to-win.”


Aniya, importanteng bigyan ng gobyerno ang OMB ng sapat na pondo para sa konstruksiyon ng mga secured facility at pagkuha ng serbisyo ng mga mapagkakatiwalaang imbestigador at prosekusyon.


Aminado si dating Civil Service Commissioner Karina Constantino-David, pinuno ng People Power Volunteers for Reform at Philippine Commission on Good Government (PCGG) na mahirap ipatupad ang inisyatibo ni De Speville.


Ipinaliwanag ni David na karamihan sa mga inihalal na opisyal ay ang mismong pasimuno ng katiwalian sa kanilang lokalidad, kaya sumusunod na lang ang mga kawani ng mga ito sa paglulustay sa pondo ng bayan.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Foreign graft buster: ‘People power’ vs katiwalian


No comments:

Post a Comment