Monday, November 25, 2013

Magkakapitbahay kulong sa pusoy

MAGKAKASAMA sa presinto ang magkakapitbahay na binata matapos mahuling nagsusugal ng pusoy sa kalsada sa Caloocan City kahapon, Nobyembre 24.


Nahaharap sa kasong illegal gambling sina Ronnie Doroja, 29; Noel Hilarion, 25 at Jerry Mendoza, 18, pawang ng Gen. Concepcion, Bagong Barrio, nasabing lungsod.


Sa ulat, alas-4:10 ng hapon nang may tumawag sa mga pulis na may nagsusugal ng pusoy sa nasabing lugar.


Nang respondehan ay naaktuhan ang mga suspek na nagpu-pusoy sa kalsada na naging dahilan upang agad na dakpin at dalhin sa presinto.


The post Magkakapitbahay kulong sa pusoy appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Magkakapitbahay kulong sa pusoy


No comments:

Post a Comment