Monday, November 25, 2013

Magkamag-anak dakip sa child abuse

SWAK sa kulungan ang isang lalaki habang isinama ang kaanak na babae nito matapos hindi pumayag ang huli na madala ng mga pulis ang una na namalo ng puluhan ng baril sa binatilyo sa Caloocan City kaninang madaling-araw, Nobyembre 25.


Nahaharap sa kasong physical injury in relation to child abuse si Eduardo Tapia, 36, habang obstruction of justice naman ang ikinaso kay Gemalyn Losano, 33, kapwa ng General Mascardo St., Bagong Barrio, nasabing lungsod.


Sa ulat, ala-1:30 ng madaling-araw nang tutukan ng baril at hatawin ng puluhan ni Tapia ang binatilyong si Joey Cos Jr., sa Malolos, Bagong Bagong Barrio.


Putok ang ulo na umuwi ng bahay ang biktima saka nagsumbong sa tatay na nagpasaklolo naman sa mga pulis.


Nang balikan ang suspek ay nagtatakbo ito subalit nakorner ng mga pulis hanggang sa dumating si Losano sabay yakap sa una at pinagmumura ang mga pulis na naging dahilan upang dumami ang mga usisero.


Napilitan ang mga pulis na bitbitin si Tapia kasama si Losano at dinala sa presinto bago sinampahan ng mga nasabing kaso.


The post Magkamag-anak dakip sa child abuse appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Magkamag-anak dakip sa child abuse


No comments:

Post a Comment