Monday, November 25, 2013

Helper patay nang madulas sa Valenzuela

TODAS ang isang helper matapos humampas ang ulo nang madulas habang naglilinis ng makina sa Valenzuela City kaninang umaga, Nobyembre 25.


Dead on arrival sa Fatima Medical Center sanhi ng pinsala sa ulo si Alberto Cruz, 33 ng Pio Valenzuela, Marulas, nasabing lungsod.


Sa kuha ng closed circuit television, alas-7:33 ng umaga, naglilinis ng crusher machine no. 1 ang biktima sa loob ng warehouse ng Urutia Trading sa Sitio Malabo, Maysan nang madulas at humampas ang ulo sa tangke ng nasabing makina.


Pagpasok ng kasamahan na si Rodito Carlos ay nakitang nasa ilalim na ng nabanggit na makina ang wala nang buhay na biktima.


Inaalam na kung may pananagutan ang may-ari ng kumpanya sa pagkamatay ng biktima.


The post Helper patay nang madulas sa Valenzuela appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Helper patay nang madulas sa Valenzuela


No comments:

Post a Comment