Thursday, November 21, 2013

Mag-utol dedo, 1 sugatan sa nilagang saging sa Antique

DAHIL sa nilagang saging, nagbuwis ng buhay ang magkapatid habang sugatan naman ang isa pa matapos barilin ng kanilang kamag-anak sa Brgy. Centro Sur, Culasi, Antique.


Ang mga namatay ay kinilalang sina Albert at Jurie Doroteo ng nabanggit na lugar samantalang ang sugatan ay si E-Jay, nananatili pa rin sa pagamutan.


Ayon kay E-Jay, kinuha nila ang saging na tumubo sa lupain ng kanilang lolo at nilaga ngunit nakita ito ng suspek na kinilalang si Bongbong Doroteo na kanilang pinsan.


Dahil dito, nagtanim ng galit sa magkapatid ang suspek.


Nagkasalubong ang mga ito nang pumunta sa palengke ang mga biktima at bigla nalang silang pinagbabaril gamit ang .45 caliber pistol.


Napuruhan si Albert at Jurie na kanilang ikinamatay agad samantalang naka-iwas naman si E-Jay na tinamaan sa kamay at paa.


Pinaghahanap pa ng mga pulis ang suspek upang papanagutin sa krimen.


The post Mag-utol dedo, 1 sugatan sa nilagang saging sa Antique appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mag-utol dedo, 1 sugatan sa nilagang saging sa Antique


No comments:

Post a Comment