Thursday, November 21, 2013

Katarungan hiling ng binuwag na SOU

HUMIHINGI ngayon ng katarungan ang pamunuan ng Pasay City Police-Special Operations Unit (SOU) na binuwag ng Southern Police District.


Kaugnay nito, naghain ng mandatory injunction sa Pasay City Regional Trial Cour (RTC) branch 118 ang 18 miyembro ng SOU dahil sa walang dahilang pagsibak sa kanilang puwesto.


Ayon kay SOU Chief, Chief Inspector Joselito Sta. Teresa, inalis ang buong puwersa ng kanyang pinamumunuan dahil sa imbentong akusasyon na pangongotong sa isang nahuling lalaki.


Nakasaad sa relieve order na kinotongan at pinakawalan umano nila ang isang nagngangalang “Cusay” na inaresto kapalit ang salapi sa paglaya.


Sa sworn affidavit ni Cusay na isunumite kay RTC Judge Rowena Nieves-Tan, mariing itinanggi nito ang alegasyon ni Senior Supt. Michel Filart na nilagdaan naman ni Deputy Chief of Police for Administration (DCOPA) Supt. Joel Villanueva.


Sinabi ni Sta. Teresa na wala silang interes na makabalik sa dating puwesto kundi linisin lamang ang kanilang reputasyon sa akusasyong extortion na labis na nakasira sa karangalan ng kani-kanilang pamilya.


Umaasa ang 18 na pakikinggan ng hukuman ang kanilang kahiling para hinihiling na mandatory injunction.


The post Katarungan hiling ng binuwag na SOU appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Katarungan hiling ng binuwag na SOU


No comments:

Post a Comment