Thursday, November 21, 2013

Yolanda survivors ipinagdasal ni Pope Francis

IPINAGDASAL ni Pope Francis ang mga nasalanta ng super typhoon Yolanda sa Pilipinas, kasabay nang isinagawang pagbabasbas sa mosaic image ni San Pedro Calungsod sa St. Peter’s Basilica sa Vatican nitong Huwebes.


Ang naturang seremonya ay dinaluhan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na nanguna sa isang banal na misa matapos mabasbasan ang imahe ng ikalawang Santong Pinoy.


Niyakap pa ng Santo Papa si Tagle na tanda ng kanyang pakikisimpatiya sa bansa.


“I have been close to your people, I have seen how great the pain has been but also how strong the people have been,” ani Pope Francis sa isang improvised speech sa Pinoy audience sa St. Peter’s Basilica.


“Faith emerged from the ruins, it came from solidarity in the moment of hardship,” aniya pa.


Sa mga oras ng pagsubok tulad nito, tiniyak ng Santo Papa na maging siya ay kasama ng mga tao sa pananalangin sa Panginoon.


Tinutukoy nito ang padarasal gaya aniya ng isang bata sa magulang na hindi umaasa ng sagot.


Kaugnay nito, permanente nang ipoposisyon sa Vatican ang imahe ni Calungsod, katabi ng imahe ni San Lorenzo Ruiz, na kauna-unahang santong Pinoy.


Oktubre 21, 2012 nang ganapin ang canonization kay Calungsod ni Pope Benedict XVI.


The post Yolanda survivors ipinagdasal ni Pope Francis appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Yolanda survivors ipinagdasal ni Pope Francis


No comments:

Post a Comment