Friday, November 15, 2013

Mag-iipon muna ng isang bilyong piso bago magpakasal!

FIRST Primetime serye na bida si Kylie Padilla sa Adarna. Taong-ibon ang role niya kung saan ay leading men niya sina Geoff Eigenmann, Benjamin Alves at Mikael Daez.

Sa panayam na ito ay patunay lamang na hindi pa sila break ni Aljur Abrenica. Tinanong kung anong klaseng ibon si Aljur kung ibon ito at buong ningning niyang sinabi na ‘penguin’.

Kahit ang tatay niyang si Robin Padilla ay wala na ring sinasabi tungkol kay Aljur.

Wala pa ba silang balak magpakasal ni Aljur? “Mag-iipon muna ako ng bilyon,” sey niya.

Actually, mahilig daw siya sa penguin dahil kapag nainlab, ‘yun na ‘yon. Isa lang ang partner nila.


Malalaking ibon ba ang gusto niya o maliliit lang?


“Penguin nga!” tugon niya na natatawa sa usapang ibon.


Marami na ba siyang nahipong ibon? Tugon ni Kylie sa Adarna ay marami siyang nahipo dahil kailangan talaga sa show.


Sabi naman kung sakaling ibon ang tatlong leading men niya ay maihahalintulad si Geoff sa ‘Pigeon’. Nagtawanan din nu’ng sabihin ng isang katoto na puwede rin si Mikael na maging ‘ibong-labas’ dahil sa pagiging extrovert nito. Sey na lang ni Kylie ay hyper na ibon. Puwedeng parrot o myna. At si Benjamin ay sa crow.


Sa Nobyembre 18 na ang simula ng Adarna sa GMA Telebabad kapalit ng Kahit Nasaan Ka Man.


Samantala, nagbigay ng suporta ang Action Superstar na si Robin Padilla nang sorpresahin ang anak sa presscon sa Plaza Ibarra. Hindi nagpa-interview si Binoe dahil nakahihiya sa GMA 7 at para raw ‘yun sa cast ng Adarna.


Pero nangangamoy ang tsika na babalik sa Kapuso network si Robin at napipintong magkakaroon siya ng cameo role sa serye .


“Gusto po ni papa, siya ‘yung gaganap na tatay ko sa Adarna,” pagkumpirma ni Kylie.


‘Yan ang abangan kung matutuloy ang plano, huh?


-0o0-


HUMAKOT ng pitong parangal ang ABS-CBN sa prestihiyosong Philippine Quill Awards na kumilala sa galing at husay ng Kapamilya network sa kanilang mga proyektong may kinalaman sa komunikasyon. Ito ang pinakamaraming Quill Awards na nakuha ng isang TV network para sa taong ito.


Umani ang ABS-CBN Corporate Communications ng Quill award para sa 2012 Media Christmas Party nito na dinaluhan ng higit sa 200 miyembro ng entertainment press at bloggers. Bilang pasasalamat sa pagsuporta ng mga ito sa network, layunin ng pagtitipon na personal na maiparanas sa kanila ang ilan sa masasayang programa ng ABS-CBN. Naranasan ng mga dumalo ang magulo ngunit kwelang Sine Mo ‘To ng It’s Showtime, ang tensyon sa paglalaro ng Kapamilya Deal or No Deal, ang pagrampa bilang isang 24K Girl, at naging bahagi rin ng press version ng Christmas station ID ng network.


Dalawang Quill awards ang inuwi ng ABS-CBN Integrated News and Current Affairs. Tumanggap ng Quill award ang ika-11 na Buntis Congress ng DZMM Radyo Patrol 630.


Kinilala rin ang COMELEC Halalan App ng ABS-CBN Digital News Media dahil sa agaran nitong pagbibigay ng resulta sa halalan nitong Mayo mula mismo sa Commission on Elections (COMELEC), personal na impormasyon ng mga botante, at maging lokasyon ng presinto ng botante sa pamamagitan ng smartphones at tablets.


Panalo rin ang ABS-CBN Creative Communications Management ng Quill award para sa Christmas Station ID ng ABS-CBN noong 2012 na pinamagatang Lumiliwanag ang Mundo sa Kwento ng Pasko.


Pinarangalan naman ng dalawang Quill awards sa kategoryang Corporate Social Responsibility at Multi-Audience Communication ang 2012 Christmas campaign ng ABS-CBN na “Lumiliwanag ang Mundo sa Kwento ng Pasko. Bukod sa station ID, parte ng kampanya ang parol selling activity, Kwento ng Pasko stories sa TV Patrol, Kapamilya Simbang Gabi, Salamat Kapamilya gift cards, viewer promo, Kapamilya Gift Together, at ang ABS-CBN Christmas Special.


Ang mga pondong nakalap sa proyekto ay napunta sa mga biktima ng Habagat sa Metro Manila.


Kinilala ang ABS-CBN Film Archives dahil sa matagumpay nitong pagre-restore o pagbibigay buhay sa classic film na Himala na idinerehe ni Ishmael Bernal.

Congrats!

-0o0-

PASOK sa listahan ng nominees ng Asian Television Awards (ATA) 2013 ang “Kris TV” host na si Kris Aquino at ang hit talent-reality show ng ABS-CBN na “The X Factor Philippines.”


Si Kris ang kaisa-isang nominado mula sa Pilipinas para sa Best Entertainment Presenter/Host category, kung saan makatutunggali niya ang apat pang TV hosts mula sa Singapore at Thailand.


Samantala, nag-iisang Philippine nominee rin ang “The X Factor Philippines” sa kategoryang Best Reality Show kasabay ang iba pang programa mula sa Singapore, Indonesia, India, at China.


Balita ring nominado ang Kapuso actress na sina Marian Rivera (Temptation of Wife) at Lorna Tolentino (Pahiram ng Sandali) para sa Best Actress in a Leading Role category.


Gaganapin ang awards ceremony at gala dinner ng Asian TV Awards sa Disyembre 5 (Huwebes) sa Resorts World Sentosa sa Singapore.

-0o0-

HINIKAYAT ng “Bet On Your Baby” host na si Judy Ann Santos-Agoncillo ang sambayanan na magkapit bisig upang malampasan ang matinding pagsubok na hatid ng Bagyong Yolanda.


Sa kanyang post sa Instagram, ipinakita ni Juday ang screenshot ng kanyang ginagawang pagtulong gamit ang person finder feature ng isang kilalang search engine.


“Helping in my own little way. Let us all hold hands. Kaya natin ‘to,” ani Juday sa caption ng kanyang photo.


Sa kabila naman ng matinding pagsubok na kinahaharap ng bansa, tuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay-saya at aliw ng “Bet On Your Baby.”


The post Mag-iipon muna ng isang bilyong piso bago magpakasal! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mag-iipon muna ng isang bilyong piso bago magpakasal!


No comments:

Post a Comment