Friday, November 15, 2013

DR. LOVE

Kilala mo ba, P’re, si Dr. Love?


Si Dr. Love ay isang radio announcer na may programa tuwing hatinggabi. Masasabing simple lamang ang kanyang programa na may karaniwang format. Nagpapayo sa halos lahat ng klaseng problema ng kanyang mga tagapakinig. Problema ng mag-asawa, pamilya, paghihikahos, kahirapan, at patin na ang problema ng kabataan. Halos lahat ng problema, P’re.



At napakagaling niyang magpayo. Kapag pinayuhan niya ang isang lumapit na may problema, hindi man tuluyang malutas ang problema nito ay magluluwag naman ang dibdib, magliliwanag ang isip, at magpapasalamat maging sa Lumikha. Mahal na mahal ni Dr. Love ang Diyos kaya naman tila mahal na mahal din siya ng Panginoon.


At hindi lamang sa pagpapayo magaling si Dr. Love. Maging sa pagtulong ay napakahusay nito. Ilan na bang may mga sakit na dumulog sa kanyang programa ang natulungan niya? Matanda, mga bata, maging mga sanggol pa, marami na. Marami kasi, P’re. na naniniwala kay Dr. Love. Maraming naniniwala at nagtitiwala. Marami siyang mga kaibigang duktor, P’re, at hindi basta mga doktor, magagaling at may pusong mga duktor. Marami siyang mga kaibigang hindi man masasabing mayayaman ay may mga kakayahan naman at may mga pusong handang tumulong sa kapwa.


At alam ng marami ang kanyang sekreto. Ang pagiging malapit niya sa Diyos. Ang walang pag-aalinlangan niyang pananalig kay Kristo Hesus. Ang walang pasubali niyang paniniwala sa kabutihan ng kapwa, at ang hindi mapupuwing niyang pananalig sa kasabihan sa Ingles na “No man is an Island.”


Gabi-gabi, P’re ay nakikinig ako sa programa ni Dr. Love. Hindi sapagkat gusto ko ring magpatulong sa kanya, hindi

sapagkat gusto ko ring humingi ng payo sa kanya, kung hindi naliligayahan ako na malamang sa mundo palang ito ay mayroon pang nilikhang walang pasubali kung tumulong sa kanyang kapwa.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



DR. LOVE


No comments:

Post a Comment