Saturday, November 16, 2013

Ryan Agoncillo, mas bet ang Picture Picture ng GMA 7 kaysa sa Let’s Ask Pilipinas ng TV5

NAGBIGAY na si Ryan Agoncillo ng paliwanag kung bakit mas pinaboran niya ang Picture Picture ng GMA 7 kaysa sa Let’s Ask Pilipinas ng TV 5.


Ayon kay Ryan, ‘di niya pinili ang Let’s Talk Pilipinas dahil may daily show na siya sa GMA 7, ang Eat Bulaga. Paggalang na rin ito sa Eat Bulaga na matagal na rin siyang regular host ng programa.


Na-meet namin si Ryan sa set ng Picture Picture noong Monday night sa GMA 7 Studio 7 kung saan ginagawa ang regular taping show na ngayon lang mapapanood sa Pilipinas. Hindi ito franchise show. Bagkus isa itong original show ng network.


Ayon kay Ryan, tulad din ang Picture Picture sa rati niyang show, ang Talentadong Pinoy na original Pinoy show kaya lang, iba na ang staff ng Picture Picture na pawang taga-GMA 7.


Napunta ang staff niya sa Talentadong Pinoy sa programa ng kanyang misis na si Judy Ann Santos sa kabilang network. Magkalaban din sila ng slot ng programa. Parehong Saturday night ito ipalalabas. Wala namang rivalry sina Ryan at Juday pagdating sa kanilang programa, good competition lang.


Sa Picture Picture pa rin, ikalawang pagbabalik ito ni Ryan sa GMA 7. Una siyang napadpad sa Kapuso nework noong 1999 para sa morning show ng network. Umalis si Ryan noong early 2001 para lumipat sa ABS-CBN.


Memorable ang ABS-CBN 2 dahil sa rito sila nagkakilala nang husto ng kanyang misis. Magkasama sila sa isang soap opera noon ni Juday. Dito nagsimula ang relasyon nila na nauwi sa engrandeng kasalan .


Sa pagbabalik GMA 7 ni Ryan, per show lang ang kanyang lalabasan. Gusto rin niyang maging freelancer tulad ng kanyang Bossing Vic Sotto sa Eat Bulaga. Kaya puwede pa rin siyang bumalik sa TV5 kapag may magandang programang ibibigay sa kanya.


The post Ryan Agoncillo, mas bet ang Picture Picture ng GMA 7 kaysa sa Let’s Ask Pilipinas ng TV5 appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ryan Agoncillo, mas bet ang Picture Picture ng GMA 7 kaysa sa Let’s Ask Pilipinas ng TV5


No comments:

Post a Comment