Saturday, November 23, 2013

LPA namataan sa Surigao – PAGASA

Binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang namumuong low pressure area (LPA) sa bahagi ng Surigao.


Ayon kay weather forecaster Aldczar Aurelio ng PAGASA, maliit ang posibilidad na maging bagyo ang LPA na huling namataan sa layong 100 kilometro (km) silangan ng Surigao City.



Pero, magdudulot pa rin ito ng ulan at kulog-kidlat sa ilang bahagi ng bansa.


Paiigtingin din nito ang umiiral na buntot ng cold front sa Hilagang Luzon.


Paliwanag ng PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na ulan, kulog at kulog ang Palawan, Visayas, Bicol, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga. Maaari itong magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.


Ang Metro Manila, natitirang bahagi ng Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan (MIMAROPA), Mindanao, CALABARZON at lalawigan ng Aurora naman ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang ulat, kulog at kidlat. – Rommel P. Tabbad


.. Continue: Balita.net.ph (source)



LPA namataan sa Surigao – PAGASA


No comments:

Post a Comment