Saturday, November 23, 2013

Iran at world powers, nagkasundo na re nuclear

NAISAPINAL na ng Iran at anim pang bansa ang usapin ukol sa nuclear program ng Islamic Republic matapos ang dekadang standoff issue.


“We have reached an agreement,” pahayag ni Iranian Foreign Minister Mohammad Javad Zarif sa kanyang Twitter account.


Natapos ang kasunduan sa pagitan ng Iran at United States, France, Germany, Britain, China at Russia matapos ang apat na araw ng negosasyon sa Geneva.


Kinumpirma rin ni French Foreign Minister Laurent Fabius ang balita nang pumutok ito Linggo ng umaga.


Sa ngayon, matipid pa ang paglalabas ng detalye ukol sa napagkasunduan pero target nitong mapahupa ang tensyon sa Middle East dahil sa nuclear assets ng Iran, na naging mailap sa pagsunod sa international laws.


The post Iran at world powers, nagkasundo na re nuclear appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Iran at world powers, nagkasundo na re nuclear


No comments:

Post a Comment