Saturday, November 23, 2013

2 holdaper, patay sa shootout

Ni Jeffrey G. Damicog


Dalawa sa tatlong suspek sa panghoholdap ang napatay sa pakikipagbarilan sa mga pulis matapos umano nilang biktimahin ang mga pasahero ng isang jeep sa Quezon City noong Biyernes ng gabi.


Sinabi ni PO2 Hermogenes Capili na hindi pa nakikilala ang mga napatay na suspek na nakipagbarilan sa mga operatiba ng Galas Police.



Gayunman, sinabi ni Capili, na positibong kinilala ang mga suspek ng mga pasahero na siyang nangholdap sa kanila sa isang jeepney, bandang 10:45 ng gabi noong Biyernes, sa panulukan ng Quezon Avenue at D. Tuazon Avenue.


Nabawi ng mga pulis mula sa mga suspek ang mga gamit na tinangay umano ng mga ito sa mga biktima, kabilang ang dalawang bag, isang pouch, isang wallet, at isang mobile phone.


Narekober din mula sa mga napatay ang tatlong.38 caliber revolver na sinasabing ginamit ng mga ito sa pakikipagbarilan sa mga pulis.


Gayunman, sa gitna ng bakbakan ay nakatakas ang isang kasama ng mga suspek.


Nabatid ni Capili na sumakay ang mga suspek sa jeep (TXE-724) na biyaheng Welcome Rotonda at minamaneho ni Bobby Caseres, 29 anyos.


Habang tinatahak ang Quezon Avenue, nagdeklara ng holdap ang mga suspek at sinamsam ang mga gamit ng mga pasahero.


Bumaba ang mga suspek sa panulukan ng D. Tuazon Avenue, hanggang napansin ng mga nagpapatrulyang pulis, sakay sa patrol car, ang komisyon at hinabol ang mga suspek.


Tumangging sumuko ang mga suspek, na umano’y pinagbabaril ang mga pulis na humahabol sa kanila.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



2 holdaper, patay sa shootout


No comments:

Post a Comment