Sunday, November 10, 2013

Lider ng drug syndicate, arestado

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang hinihinalang lider ng drug syndicate at isang tauhan nito sa buy–bust operation sa General Santos City, kamakalawa.


Sa report ni PDEA Director General Usec. Arturo G. Cacdac Jr. kinilala ang suspek na si Michael Tan, 42, alyas Rahab Manan Salem; at tauhan niyang si Ali Adam Guaidil, 46, kapwa ng Barrio B’laan, Barangay Labangal, General Santos City.



Ayon sa imbestigasyon, bandang 7:30 ng gabi nang dinakip si Mamintal ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 11 (PDEA-RO 11), sa pamumuno ni Director Emerson Rosales.


Nasorpresa si Tan at kasamang si Guaidil matapos nilang tanggapin ang marked money mula sa poseur buyer ng PDEA.


Nakumpiska sa mga suspek ang mga plastic sachet ng shabu, P1,000 cash, drug paraphernalia at motorsiklo na ginagamit umano nila sa ilegal na pagtutulak ng shabu.


Si Tan ay kinasuhan ng PDEA ng paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) ng Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), at si Guaidil ay kinasuhan sa paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng

nasabing batas. – Jun Fabon


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Lider ng drug syndicate, arestado


No comments:

Post a Comment