Sunday, November 3, 2013

Libu-libo, balik-Metro Manila

Ni Bella Gamotea


Libu-libong biyahero ang bumalik kahapon sa Metro Manila matapos ang long weekend vacation kaugnay ng paggunita sa Undas sa mga probinsiya.


Karamihan sa mga biyahero ay papasok na sa trabaho o magbabalikeskuwela ngayong Lunes.



Kahapon ng umaga, sunud-sunod ang dating ng mga bus na galing sa mga lalawigan sa Gitnang Luzon, Bicol at Visayas Region sa Araneta Center Bus terminal sa Quezon City.


Dahil dito, nagsikip ang trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX) bunga ng pagdagsa ng mga motorista mula sa mga probinsiya.


Patuloy naman ang pag-alalay ng mga traffic enforcer na ipinakalat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa iba’t ibang lansangan sa Metro Manila, lalo dahil suspendido ang Uniform Vehicular Volume Reduction Program o number coding scheme simula pa noong Oktubre 31 hanggang kahapon.


Nilinaw naman ni MMDA Chairman Francis Tolentino na balik na sa normal ang implementasyon ng number coding sa Metro Manila simula ngayong Lunes.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Libu-libo, balik-Metro Manila


No comments:

Post a Comment