Sunday, November 17, 2013

2 pugante kumasa sa parak, tigbak

DALAWA sa tatlong pugante mula sa Tacloban City Jail ang napatay nang kumasa sa pulisya nitong Sabado ng umaga.


Isa sa mga suspek ay inilarawan na 35 hanggang 40-anyos na may tattoo na Batang City Jail (BCJ) habang ang isa naman ay may tattoo na Louie Jay sa kanang braso.


Hinahanting na ngayon ng awtoridad ang isa pang suspek na nakatakas sa kasagsagan ng putukan.


Sa ulat, naganap ang insidente alas-9:45 ng umaga sa may tapat ng isang bangko sa may Mabini St., Tacloban City.


Bago ito, naglalatag ang pulisya at isa pang team ng Regional Public Safety Battalion sa lugar nang mapansin ang tatlong suspek na kahina-hinala ang kilos sa tabi ng isang bangko.


Pero bago pa man nakalapit, nagsitakbuhan ang mga suspect at isa sa kanilang nagpaputok ng baril.


Gumanti naman ng putok ang mga pulis at ilang saglit lamang ay napatimbuwang ang dalawa sa tatlong suspek.


Narekober ng pulisya ang isang .38-caliber revolver, ilang sachet ng shabu at pera sa katawan ng mga suspek.


The post 2 pugante kumasa sa parak, tigbak appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 pugante kumasa sa parak, tigbak


No comments:

Post a Comment