Friday, November 8, 2013

SIXTY… SIXTEEN…

May girlfriend pala si Freddie Aguilar, P’re. Sasabihin mo siguro, e, anong masama? Walang masama doon, P’re, nagkadiperensiya lamang dahil ang bebot pala ay sixteen years old lang. Ang chiching, ay sixteen, si Freddie ay sixty. Parehong may six. Ang bebot, P’re, komo sixteen nga lang, nangangahulugang MENOR de-edad. Ibig sabihin, musmos pa at wala pang malay kaya hindi pa dapat “iharap sa dambana”.



Maraming bumabatikos, P’re, hindi lamang kay Freddie kung hindi maging sa “musmos na bebot”. Hindi raw tama. Labag daw sa batas. Labag daw sa kultura natin at kung anik-anik pa. Maraming nakisawsaw sa isyung ito, pati diumano ang DSWD. Anak ng tutubing karayom, P’re. Sa tingin ng marami ay itinatanong nila, bakit daw naman masyadong minamalaki ng mga kababayan natin ang napakasimpleng isyu iyon? Kasalanan daw ba kung ma-“first” este ma-“last love” na SIGURO sa CHIC na ito si Manong Freddie? Ano’ng masama dito samantalang umaamin naman ang bebot na talagang “mahal” niya si Manong? Ang totoo, maging ang mga magulang at lola nito ay walang tutol. E, ano ang isyu? Na dahil sixteen pa lang ang bebong?


Ang pakialaman siguro natin ay ang kabataang babae na sa murang edad ay nasa negosyo na ng prostitusyon. Na musmos pa ay nagsisipanganak na at karamihan naman ay walang asawa. Hindi ba nasa survey iyan ng isang world

organization? Ang pakialaman siguro natin ay iyong mga musmos na kabataang babae na pinababayaan ng mga magulang na kalakalin ang sarili.


Baka nalimutan natin, si Birheng Maria ay ipinagkasundo ng kanyang mga magulang para mapangasawa ni San Jose sa gulang na labing-apat na taon at nang maglabinlimang taon ay isinilang na ang Panginoong Jesus.


Ang problema sa atin, P’re, may mga bagay tayong pinakikialaman na hindi naman dapat. At iyong mas malulubhang bagay na dapat nating pakialaman ay ipinagwawalangbahala. Hindi pa naman ikinakasal sina Manong Freddie at ang bebot, mag-siyota pa lamang, e, anong masama? Masama bang ang isang gurang nang tulad ni Tata Clemen ay main-love sa isang Megan Young?


.. Continue: Balita.net.ph (source)



SIXTY… SIXTEEN…


No comments:

Post a Comment