Sunday, November 17, 2013

Donasyon sa ‘Yolanda’ wag buwisan

UMAPELA si Senadora Nancy Binay sa pamahalaan na huwag patawan ng buwis ang mga donasyon ng iba’t ibang bansa para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.


Ito ay matapos linawin ni Internal Revenue Commissioner Kim Henares kamakailan na sa ilalim ng Republic Act 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, ang mga donasyon para sa bansa na dadaan sa mga “disaster relief and management council” ng bansa ay “duty-exemp”’ o hindi papatawan ng buwis.


Idinagdag din ni Commissioner Henares na wala ring ipapataw na buwis sa mga donasyon na papasok sa accredited relief organizations ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Hinayag din ni Henares na kung ang donasyon ay may value added tax (VAT) ngunit dumaan sa NDRRMC, ang pamahalaan ang magbabayad ng 12% VAT nito mula sa tax expenditure fund.


Nanindigan si Binay na mabuti ang intensyon ng BIR sa pagpapatupad nito ng mga polisya sa buwis ng bansa ngunit dapat isapuso muna ng ating gobyerno ang kalagayan ng ating mga nasalantang kababayan.


Sa kasalukuyan, mahigit sa P4 bilyon o $90 milyon na ang pumapasok na tulong sa Pilipinas mula sa ibang bansa ayon sa pangangalap ng Department of Foreign Affairs (DFA)–hindi pa kasama rito ang mga indibidwal na donasyon mula sa iba’t ibang organisadong grupo ng mga Pilipino at banyaga sa abroad.


The post Donasyon sa ‘Yolanda’ wag buwisan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Donasyon sa ‘Yolanda’ wag buwisan


No comments:

Post a Comment