Sunday, November 17, 2013

Augmentation vessels ng PN nasa Matnog port na

DAHIL sa kakulangan ng mga barkong bumibiyahe patungo sa kabilang ibayo na labis na sinalanta ng bagyo, ipinadala na ng Philippine Navy sa pamamagitan ng Naval Forces Southern Luzon Command ang barkong BRP Dagupan, isang logistics support vessel at BRP Tagbanua na isang landing craft utility vessel mula sa Cebu City patungong Matnog Port.


Ito ay upang maibsan ang matinding siksikan sa trapiko ng mga naaantalang rescuers, relief goods, military troops at iba pang mga biyaherong papuntang Visayas region.


Alas-4:00 ng hapon kahapon nang dumaong ang BRG Tagbanua sa nasabing pantalan.


Una na ring nagamit ang ipinadalang MV Maria Natasia, na isa ring Navy Auxiliary Reserve Unit (PNARU) vessel kung saan nakapagdala na ito ng relief goods, military troops, disaster responders at trucks mula sa Matnog port.


Samantala, apat pang PNARU vessels na dala ng naval reservists ang inaasahang dumating naman anumang oras ngayong araw.


Matatandaan na paulit-ulit nang idinaing ng Philippine Ports Authority (PPA)-Bicol ang kakulangan ng mga barkong bumibiyahe papunta sa kabilang ibayo kung saan naroon ang matinding pinsalang iniwan ng dumaang bagyo.


Una na ring iniulat ni PPA Bicol Manager Nene Sumagaysay na halos inaabot ng pitong kilometro ang haba ng pila nitong mga nakaraang araw matapos ang patuloy na pagbuhos ng mga sasakyang nais makatawid papuntang Samar-Leyte.


Sa kabila nito, mahigpit pa rin na ipinatutupad ang una nang naging kautusan na prayoridad ang mga tulong na ipinaabot sa mga nasalanta ng bagyo at ang nasabing augmentation ng Navy vessels ay para lamang umano sa relief at disaster response.


Kasama sa mga kinakailangang unahin ay ang AFP, PNP, line agencies at LGUs na tutulong sa mga biktima ng bagyo.


The post Augmentation vessels ng PN nasa Matnog port na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Augmentation vessels ng PN nasa Matnog port na


No comments:

Post a Comment