Friday, November 8, 2013

KAWAWA NAMAN

Tinanggihan ng Sandiganbayan noong Miyerkules ang kahilingan ni ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo na makapagpiyansa para makalaya kaugnay ng P365.9-million plunder case tungkol sa diumano ay maling paggamit ng PCSO funds mula noong 2008 hanggang 2010. May alegasyong ginamit ang pondo para sa eleksiyon.



Kawawa naman si Ate Glo na sa loob ng siyam na taon ay hawak ang renda ng gobyerno ng Pinas, takot at sumasaludo ang mga Heneral ng AFP at PNP, nanginginig ang tumbong ng mga huwes at mahistrado (kasama na ang Sandiganbayan). Ngayon, ang Aleng Maliit ay may kasong pandarambong at naka-hospital arrest pa sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC). Ang dating larawan o imahe na parang isang sariwang college coed ay unti-unting kumukupas na bulaklak!


Nasa ILALIM ngayon ang gulong ng kapalaran ni ex-PGMA na kaytagal na nasa IBABAW nang tanghaling Pangulo matapos mapatalsik si Pareng Erap dahil sa isyu ng jueteng. Sabi nga ni Erap: “Weder-Weder” lang o sa lengguwahe ni Kababayang

Balagtas ay “Pana-Panahon” lang. Bukod pala sa tinatawag pork barrel senators and congressmen, may 15 pang mambabatas ang sangkot sa panibagong scam na kagagawan diumano ng Reyna ng Pork Barrel, si Ms. Janel Lim-Napoles. Ang sangkot na halaga rito ay P407 milyon at P300 milyon. Ang ganitong halaga ay nakukupit ng mga “magnanakaw na mambabatas at ng Reyna” galing sa tinatawag na congressional insertions. Ang P407 ay mula sa capital outlay ng implementing agencies at ang P300 milyon ay sa mga “paningit” sa national budget. Tatlo raw ahensiya ng gobyerno ang involved dito. Sec. De Lima, sinu-sino ba ang mga solon na ito, at aling mga ahensiya?


Noong ako’y nasa US kamakailan para dalawin ang anak kong nurse sa Queens, New York City, paborito ng mga Fil-Am at maging ng TNT Filipinos ang kandidatong si Bill de Blasio, isang public advocate, sa pagkamayor ng lungsod kapalit ni billionaire Mayor Michael Bloomberg. Gusto si De Blasio ng mga illegal immigrant tulad ng Africans, Hispanics at Asians dahil sa kanyang adbokasiya ng pagbibigay-kaluwagan sa kanila upang mabigyan ng kaukulang papeles (SSS, driver’s license) para manirahan at makapagtrabaho roon. Mapait ang kanyang childhood dahil alcoholic ang amang isang WW2 veteran na nagpakamatay. Pinili niya ang apelyido ng inang Italyana. Siya ang unang Democrat sa nakalipas na 20 taon na nahalal dahil laging Republican ang Mayor ng New York City.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



KAWAWA NAMAN


No comments:

Post a Comment