Friday, November 8, 2013

I will try to bring home the crown –Ariella Arida

SA bisperas ng 2013 Miss Universe coronation night, nananatiling crowd favorite para mag-uwi ng korona ang pambato

ng Pilipinas na si Ariella Arida habang nananalangin siya para sa mga kababayan na sinasalanta ng magkakasunod na kalamidad sa Bohol, Cebu at Mindanao.



ARIEL Arida Ito ay kasabay ng debut ng pambihira, US$1-million dollar swimsuit sa 62nd Miss Universe beauty contest sa Crocus City

Hall sa Moscow, Russia ngayong Nobyembre 9, 2013 (Nobyembre 10, 2:00 ng umaga sa Pilipinas).


“I know that we Filipinos can surpass everything . Knowing Filipinos, these situations make us stronger and more united to help each other. Alam kong malalampasan natin ang lahat no matter what. Stay strong and positive. I send out my love and

prayers to all those who are affected. Maliit mang kaligayahan ang maidudulot nito, basta, in my heart and in my mind, I will try to bring home the crown for the Philippines!” sabi ni Ariella, na tubong Alaminos, Laguna.


Sinabi rin ni Ariella, 24, na kumpiyansa siya sa kanyang performance sa preliminary competition, ang pre-pageant event ng pagpili sa Top 16 semifinalists para sa pinakaprestihiyosong beauty contest. Para sa nasabing show, rumampa ang 86 na kandidata suot ang kani-kanilang swimsuit at evening gown.


“I did my best in the preliminary competitions and of course I want to land in the top 16, then go, go, go and eventually win the crown! Of course I am both happy and privileged to be a part of most of the important events. But I refuse to be distracted over things of which I have no control like how the judges will think. So instead of worrying, I just try to have fun and do my best for the Philippines!” ani Ariella.


Pagkatapos ng prelims, pumasok si Ariella sa listahan ng ilan sa mga who’s who sa beauty pageant bilang isa sa mga napipisil para maguwi ng korona. Kabilang sa mga sumusuporta kay Ariella sina Miss Universe 2010 Ximena Navarette ng Mexico; Miss USA 2011 Alyssa Campanella, na nasa Top 16 sa 2011 Miss Universe contest; at ang French at fashion beauty expert na si Ines Ligron, na inilarawan si Ariella sa Twitter bilang “the best from Asia this year.”


Paborito rin para manalo ang mga kandidata mula sa India, Azerbaijan, Panama at France.


Masaya namang nagtsicheer ang mga Pinoy sa Moscow para kay Ariella habang rumarampa siya sa entablado suot ang kanyang red bikini at kalaunan, ang isang napakaeleganteng yellow gown.


“I draw my strength from the Filipinos who keep lifting me up. In fact, the Russians told me that they are so amazed by all the love that 1′m getting from my country. I feel so blessed because of their support,” saad sa text message ni Ariella kay Tessa Mangahas, public relations at corporate communications manager ng Araneta Group.


Habang pumapabor sa kanya ang napakaraming fearless forecast para manalo ng titulo at Nexus crown, sinabi ni Ariella na inienjoy niya ang bawat sandali ng pageant. “This is turning out to be the experience of a lifetime. The rehearsals are bringing us (the girls) closer to each other and it has always been a healthy and friendly environment from the start. Sayang naman ang moment if I am bogged down by senseless worrying.”


Si Miss Nicaragua Nastassja Bolivar ang unang opisyal na nanalo sa pageant makaraan siyang manalo ng Best National Costume at mag-uwi ng US$5,000 cash.


Samantala, inihayag ng Miss Universe Organization (MUO) na itatanghal nito ang isang one-of-a- kind emerald, ruby at diamond swimsuit na nagkakahalaga ng US$l million, sa Miss Universe telecast. Ayon sa mga organizer, ang swimsuit na disenyo ng Italian at swimwear lingerie brand na Yamamay ay ibiniyahe pa mula sa Milan, Italy patungong Moscow kasama ang mga armadong guwardiya, para sa coronation night.


Ang mananalo sa beauty contest ang magsusuot ng US$l-million swimsuit sa una niyang opisyal na photo shoot at sa harap ng Miss Universe international press corps, sa press conference sa Crowne Plaza World Trade Centre sa Moscow. Itatampok rin ang 2013 Miss Universe sa kampanya para sa kaparehong lingerie brand.


Judges sa pageant ngayong taon ang front man ng Aerosmith na si Steven Tyler, ang sikat na chef na si Chef Nobu, ang gold medal figure skater na si Tara Lipinski, ang TV personality na si Carol Alt, ang supermodel na si Anne V., ang nagtatag ng Farouk Systems, Inc. na si Farouk Shami, ang watch designer na si Italo Fontana at ang Russian pop star na si Philip Kirkorov.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



I will try to bring home the crown –Ariella Arida


No comments:

Post a Comment