Friday, November 8, 2013

Kontrata sa 8 bagong attack helicopter, selyado na

Tuloy na ang pagbili ng gobyerno ng walong attack helicopter para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos lagdaan ng Philippine Air Force at manufacturer ng mga ito ang purchase agreement.


Sa pahayag, sinabi ng Agusta Westland na plantsado na ang kontrata sa pagbili ng walong AW109 Powerlight twin helicopter at ang mga ito ay inaasahang darating sa bansa sa susunod na taon.



“AgustaWestland, a Finmeccanica company, is pleased to announce that the Philippine Air Force has signed a contract for eight AW109 Power light twin helicopters. These aircrafts will be used to perform a range of duties including homeland security, armed reconnaissance and close support,” ayon sa pahayag.


Kinumpirma ni PAF Vice Commander Maj. Gen. Raul Dimatactac na ang walong attack helicopter ay malaking tulong sa pagpapatupad ng internal security operations ng bansa.


Sinabi ni Dimatactac na pito na lang sa MG-520 attack helicopter ang nagagamit ng PAF.


Sinabi ni PAF spokesman Col. Miguel Okol na mas malaki ang magagampanan ng mga AW109 chopper kumpara sa MG520.


“They are night-vision capable, they have better instrumentation than the MGs and they can carry more payloads and the weapon system is more advanced,” ani Okol.


Inilarawan ng AgustaWestland ang AW109 ang mga bagong helicopter bilang three-tonne class eight-seat twin engine. – Aaron Recuenco


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Kontrata sa 8 bagong attack helicopter, selyado na


No comments:

Post a Comment