Tuesday, November 26, 2013

Kasuklam-suklam ang kademonyohan ni Carmina!; Matauhan ka, Anna Dizon!

IT’S only make believe and you know pretty well that Carmina Villaroel is but delineating a part, but her role as the cold and bitchy mom of Joaquin, the role being essayed by Daniel Padilla, is out and out cavalier and caustic and not in the least bit symphatetic.


Sa totoo, parang gusto mo siyang sampal-sampalin lalo na’t nagsasalita ng mga pang-iinsultong katarayan kay Chichay as delineated with aplomb and conviction by Kathryn Bernardo.


Anyhow, you know pretty well that she’s only essaying a part but the repugnance of Carmina’s character is hard to stomach and the soap would end night after night with the televiewers seething with righteous indignation. Hahahahahahahahahahahaha!


Kung ako si Carmina, hindi na ako tatanggap ng ganito kasamang character dahil ang ending ay talaga namang kamumuhian siya ng mga avid viewer ng Got to Believe lalo na’t pinaiiyak niya pala-palagi si Chichay at nilalait nang buong katarayan.


Honestly, para siyang cosmopolitan version nina Bella Flores o Zeny Zaballa. Hahahahahahahaha!

Ayokooohhhhhh! Hahahahahahahahahahaha!


Kidding aside, mas nate-take ko pa ang character ni Vivian Velez sa Maria Mercedes dahil parang flippant lang naman ang kanyang approach at hindi insidious na tulad ng characer ni Meang sa Got to Believe.


Whatever, like I said, Carmina shouldn’t accept a role as evil as this one the next time around.

Oo nga’t nagmamahal naman siya sa kanyang anak na si Daniel pero ang lalim ng kanyang demonic character na kasusuklaman mong talaga long after the soap has ended.


I’m not kidding, the soap is not good for Carmina’s image as a wholesome actress.

Kung gusto niyang magkaroon ng negang image na parang demonyitang talaga, ipagpatuloy niya ang pagtanggap ng ganitong role para lagi-lagi’y makatatanggap siya ng hate letters from the avid Kathrynians.

Honest!


Pati tuloy ‘yung maganda at sosyal na young actress, whoever she is, ay kinasusuklaman na rin ng mga otaw. Hahahahahahahahaha!


Sa ginanda-ganda niyang ‘yun, ang tingin ng mga tao sa kanya’y demonyo lalo na’t mina-manhandle pa niya at inookray si Chichay (Kathryn) in most of her scenes.

Sa totoo!


Anyway, hindi lang naman ako ang nakararamdam ng ganun. Karamihan sa mga avid follower ng Got to Believe ay hate na hate na rin ang mestizang bangus na ‘to. Hahahahahahahahaha!


PANGIT ANG MAGING MANGGAGAMIT ANNA DIZON!


DAHIL sa pangungulit ni amigang Peter Ledesma, na-invite kami sa blessing ng bagong office ni Anna Dizon somewhere in Makati sometime last week.


Sosyal na ang dating tinaguriang singer of the new millennium kaya pang-Makati na ang beauty niya.

Is that it?


Anyway, the star diva, as she was labelled more than a decade ago, has visibly recovered from the traumatic backsliding of her finances that was brought about by the devastating decline of her talent and promotion business during the late 90′s and the early 2000.


Totoo ka, from the becoming opulence that she had gotten accustomed to, she just woke up in a veritable nightmare.


Unti-unti, lahat ng kanyang naipundar ay nangagsipagwalaang lahat, and it came to a point when she was not even allowed a cheap car loan that was Peter and I’s bailiwick.


‘Yung Prado niya kasi that was her pride and joy, along with her other cars, had to go, along with her other acquisitions.


Traumatic talaga ang nangyari kay Anna dahil dumating sa puntong nagba-bus na lang siya at nagdyi-jeep. An unthinkable occurrence when she was living in fabulous luxury some 15 years ago.

Pero goal-driven nga siya at matapang.


Mereseng naglulupa na halos at hindi maswelduhan ang kanyang mga empleyado, tuloy-tuloy pa rin ang kanyang pangangarap at pagtupad sa kanyang mga ambisyon.


Anyway, lately, she has ostensibly recovered from her nightmare.


Kung dati’y veritable Purita Mirasol na siya, this time sa isang sosyal na building sa Makati na at meron na naman siyang mga bagong empleyado.


Anyway, sa kanyang muling pag-asenso, mukhang nakalimot na siya sa mga taong karamay niya nu’ng time na nangangarap palang siyang i-penetrate ang show business.


Hayan at invited daw kami (invited daw talaga, o! Hahahahahahahahaha! Cheap!) Pero nagmukha naman kaming timang dahil aligagang-aligaga sa pag-e-entertain ng mga taga-broadsheet at people from TV networks ang gurang na at nananaba nang dating star diva.


In short, ang feeling nami’y parang na-ignore kami at daan-daanan na lang.


Ganyan na ba talaga, Anna Dizon? Broadsheet oriented ka na gayong ang gumawa sa pangalan mo’y kaming dalawa ni Peter Ledesma at hindi naman ang mga kung sino-sinong ‘yan na sinasamba mo sa ngayon?


Ang showbiz talaga kahit kailan, walang puso ang mga tao rito at kung wala ka nang gamit, itatapon ka na lang sa isang tabi tulad ng diskarte nitong si Anna Dizon na nagkapera na nga’t lahat pero mas inuna pa ‘yung ibang bagay kaysa mag-diet at magpa-facial at magpa-hair spa. Hahahahahahaha!

Pero kebs ko ba?


‘Di ka na mahalaga sa amin at labis kong ikinatutuwang with all your money, wala itong nagawa sa iyong nagkakaedad nang hitsura.


Kung ano kasi ang ugali ay mirrored pala-palagi sa ating mukha.

‘Yun na!

Cheap!

Yuck!


SITTI’S DOUBLE TREAT: ‘BOSSA LOVE’ CONCERT AND ALBUM LAUNCH


SITTI, the country’s one and only bossa nova queen, would have released her newest album, Bossa Lovencert on November 28 at the Music Museum but due to the country’s recent calamity, MCA has decided to move it to January 18, 2014.

Bossa Love incidentaly features Sitti’s signature bossa sound with the exciting tracks including the carrier single Sunday Morning (a cover of the song by Maroon 5), It Wasn’t Me by Shaggy, Stickwithu by the Pussycat Dolls, Back To You by John Mayer, Smooth by Santana, Someday We’ll Know by New Radicals, My Favorite Mistake by Sheryl Crow, I Want It That Way by the Backstreet Boys, Yellow by Coldplay, Lost Without You by Robin Thicke, Don’t Know Why by Norah Jones, For You by Kenny Lattimore, Waterfalls by TLC, and Thank You by Dido.


The album is produced by Marvin Querido.

Sitti is a Backroom artist. For inquiries, call Backroom at 4351108 and 4351120 or email at backroominc@hotmail.com


ANO NA NAMANG KALETSEHAN ITO?


NAIINTINDIHAN ko naman ang eksenang dapat protektahan ng isang entertainment writer ang kanyang kaibigan o pini-PR na artista pero ang palabasing kami’y nagsisinungaling ay taboo.


Ewan kung saan sinulat dahil hindi naman ako avid reader ng kanyang columns pero sinulat pala ng isang veteran entertainment writer na hindi raw true ang aming sinulat, or words to that effect, na naghihirap na ang kanyang kaibigang artista dahil sa as of press time binili pa nga raw ng may ‘sumpong’ na aktres ang dalawa pang units doon.

Hahahahahahahahahahaha!


Magtigil-tigil na nga kayo sa mga kaokrayan na ‘yan. ‘Di na nga makabayad sa unit rentals tapos palalabasin pang binili pa ang dalawang units?

Ano to, nagbabaliw-baliwan na naman kayo alang-alang sa anda? Hahahahahahahahahaha!

Manahimik na nga kayo, noh!


Tigilan ang kaplastikan dahil wala nang naniniwala sa inyo.


Huwag ding isasakripisyo ang kredibilidad sa anda.

‘Yun lang!


Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.


And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!


The post Kasuklam-suklam ang kademonyohan ni Carmina!; Matauhan ka, Anna Dizon! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kasuklam-suklam ang kademonyohan ni Carmina!; Matauhan ka, Anna Dizon!


No comments:

Post a Comment