Monday, November 25, 2013

Chopper galing Ormoc, bumagsak; 2 dayuhang piloto, ligtas

Ni Freddie C. Velez


OBANDO, Bulacan – Nailigtas ng mga mangingisdang Bulakenyo ang isang German at isang Amerikano na lulan sa chopper na bumulusok sa isang ilog sa Obando noong Linggo.


Galing ang chopper sa Ormoc City sa Leyte at naghatid doon ng relief goods para sa mga sinalanta ng super bagyong ‘Yolanda’.



Kinilala ng pulisya ang dalawang nakaligtas na sina Iren Dornier, 50, German; at James Eagles, 39, Amerikano.


Habang nasa himpapawid at nagbibiyahe patungong Caticlan sa Aklan para magpakarga ng gasolina, narinig na ng dalawa ang ingay sa makina ng chopper.


Hanggang napansin nila ang overheating ng chopper, na bumulusok sa ilog makaraang mawalan ng balanse.


Nagpasalamat naman sina Dornier at Eagles sa mga mangingisda ng Bulacan na nagligtas sa kanila.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Chopper galing Ormoc, bumagsak; 2 dayuhang piloto, ligtas


No comments:

Post a Comment