Tuesday, November 26, 2013

Paggamit sa pondo ng President Quirino, kuwestiyonable?

ISULAN, Sultan Kudarat – Kinukuwestiyon ng ilang sektor sa President Quirino sa Sultan Kudarat ang anila’y hindi malinaw na paggamit sa pondo ng pamahalaang bayan ng mismong alkalde nito.



Una nang napaulat sa Balita ang reklamo ng ilang sektor na binigyang-patunay ng ilang lokal na mambabatas sa President Quirino sa paglalabas umano ni Mayor Azel Mangudadatu ng mahigit milyong piso sa pagpapaayos ng tanggapan ng pamahalaang lokal, na hindi umano nakadetalye sa budget, at maging ang pagkakabit ng street lights sa national highway sa bahagi ng poblasyon.


Kasunod nito, umugong naman ang reklamo ng ilang kawani ng pamahalaang bayan sa anila’y nade-delay na pagtanggap nila ng sahod.


Sa panayam sa isang mataas na opisyal sa munisipyo na ayaw magpabanggit ng pangalan pero credible sa mga inilabas niyang impormasyon, maluha-luha niyang pinatotohanan ang mga usapin, idinagdag na lahat umano ng kapatid ng alkalde ay naka-payroll umano.


Sinabi pa ng impormante na manipulado umano ng asawa ng alkalde na si Maguindanao League of Municipalities President Freddie Mangudadatu ang pamamalakad sa munisipyo.


Nabatid na personal na ring idinulog ng impormante kay Sultan Kudarat Gov. Teng Mangudadatu ang sitwasyon ng mga kawani ng President Quirino at humingi ng payo sa gobernador tungkol sa kalagayan nila.


Sinabihan ng gobernador ng “Save yourself”, naniniwala ang impormante na aaksiyunan ng gobernador ang usapin, partikular sa pananalapi ng President Quirino. – Leo P. Diaz


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Paggamit sa pondo ng President Quirino, kuwestiyonable?


No comments:

Post a Comment