Sunday, November 10, 2013

Karla at Kris, agad kumilos para tumulong sa mga biktima ni ‘Yolanda’

Ni Jimi Escala


KRIS Aquino PINAKAGRABENG nasalanta ng bagyong ‘Yolanda’ ang Tacloban at sa pamamagitan ng mag-asawang Richard Gomez

at Congresswoman Lucy Torres ay nag-isyu agad ng tsekeng nagkakahalaga ng P400,000 ang Queen of All

Media na si Kris Aquino bilang tulong sa mga biktima ng super typhoon.



Nakatanggap din kami ng balita mula sa mga kababayan namin sa Bantayan, Cebu na matindi ring sinalanta ni Yolanda:


“More or less 15 evacuees ang natabunan ng bubong ng school building na ginawang evacuation center nila, patay lahat.

Sa Isla Bantigue, also in Bantayan sir, sampung tao ang nawawala mula pa kahapon. Sa actual na nabilang ko na patay sa lugar dito sa amin 10 katao na, sir. Totally wrecked ang Bantayan, hirap sa inuming tubig, kapos na rin sa supply ng gasolina para sa mga sasakyan dito, sa tabi-tabi na lang natutulog ‘pag gabi, walang kuryente. Pinagtitiyagaan na lang ng

mga tao ang maalat-alat na tubig ng mga balon. Ang ibang bahay, sir, talagang durugdurog,” text message sa amin ng isang kababayan at kaibigan na gumawa ng paraan na makahanap ng signal para makapag-text.


Tubong Tacloban ang aktres at ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada na karamihan sa mga kamag-anak ay nakatira pa rin doon. Kaya naman nanawagan si Karla sa mga tagahanga ng anak niya na mag-abot ng tulong sa mga biktima ng katatapos na kalamidad.


Idinaan ni Karla sa post sa kanyang Twitter account ang panawagan na dagli ring tinugon ng fans ni Daniel. Mga damit at iba pang mga gamit na mapapakinabangan ng mga kababayan nating nasalanta ang hinihingi ni Karla sa fans ni Daniel.


Siya mismo ang maguuwi ng relief goods na makakalap nila.


“Pakidala na lang po ng relief goods n’yo dito sa Tiera Pura Club House, Kalaw Ave., Tiera Pura, QC. Salamat. Mga anak, walang magdadala ng pera, ha… kung maaari mga damit sana … Salamat,” pakiusap ni Karla sa mga tagahanga ni Daniel.


Pati si Daniel, na abala sa taping ng Got To Believe at sa shooting ng pelikulang Pagpag (entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival) ay nag-tweet din ng pananawagan ng tulong para sa lahat ng mga apektado ng bagyo.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Karla at Kris, agad kumilos para tumulong sa mga biktima ni ‘Yolanda’


No comments:

Post a Comment