Saturday, November 2, 2013

Malacañang, ‘di bibigay sa banta ng protesters

Ni Madel Sabater-Namit


Nagmatigas kahapon ang Malacañang na hindi ito bibigay sa deadline na itinakda ng mga anti-pork barrel group na Disyembre 6 upang kasuhan ang iba pang sangkot sa multi-bilyong pisong anomalya sa kanilang 100 araw na palugit matapos ang Million People March protest noong Agosto.



Imbes na madaliin ang pagsasampa ng kaso sa mga sangkot sa paglulustay ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala bilang “pork barrel,” sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na tinitiyak ng gobyerno na matibay ang inihahaing charges laban sa mga pinaghihinalaan upang ito ay tumayo sa korte.


“The President and the administration will push for the correct things at the correct time,” giit ni Valte.


Plano ng mga organizer ng Million People march na maglunsad ng panibagong kilos protesta kaugnay sa kanilang itinakdang 100-day countdown simula nang isagawa ang malaking demonstrasyon sa Rizal Park noong Agosto.


Hiling ng mga demonstrador ang transparent investigation at prosekusyon ng mga nasa likod ng paglulustay ng pork barrel.


Subalit sinabi ni Valte na mayroon nang mga isinampang kaso sa Department of Justice (DoJ) sa Office of the Ombudsman at mayroon pang susunod na kakasuhan sa mga susunod na panahon kaugnay sa pork barrel issue.


“Meron tayong mga prosesong sinusundan kasi kung mag-file lang naman tayo ng kaso out of PR, nakakalungkot naman yun and that will be a disservice na out of PR, madidismiss lang itong mga kasong ito,” sinabi Valte.


“On the part of the Executive, the instructions of the President will be to make sure as far as practicable that these cases that are being filed will stand scrutiny and will stand for a conviction,” dagdag niya.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Malacañang, ‘di bibigay sa banta ng protesters


No comments:

Post a Comment