Sunday, November 17, 2013

Kapitan, misis dinukot sa Basilan

INAALAM na ang kinaroroonan ng isang kapitan at kanyang misis nang dukutin ng hindi pa nakilalang grupo habang lulan ng pump boat sa Lantawana, Basilan.


Kinilala ang mga biktima na sina Pilardo Roxas Francisco, bagong halal na kapitan ng Barangay Landugan at Saharina Salvador Francisco.


Ayon sa anak ng mga biktima na si Jhayco Salvador Francisco, papuntang munisipyo ng Maluso ang kanyang mga magulang nang harangin ng mga armadong lalaki at puwersahang tinangay.


Hindi pa malinaw ang dahilan sa pagdukot sa mag-asawa o kung may kinalaman ito sa nakaraang barangay election.


The post Kapitan, misis dinukot sa Basilan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kapitan, misis dinukot sa Basilan


No comments:

Post a Comment