Sunday, November 17, 2013

Iloilo, ‘di pa naaabot ng relief operations

ILOILO CITY, Iloilo – Matapos ang mahigit isang linggo mula nang manalasa ang bagyong ‘Yolanda’ sa Visayas, hindi pa rin nabibigyan ng ayuda, partikular ng tubig at pagkain, ang malalayong barangay sa hilagang Iloilo.


Ito ang naging pagtaya ni Fr. Marco Sulayao, vicar general ng Iglesia Filipina Independiente (IFIDiocese of Iloilo).



Aniya, lahat ng bayan sa hilagang Iloilo, kabilang ang Ajuy, Balasan, Barotac Viejo, Batad, Carles, Concepcion, Estancia, Lemery, San Dionisio, San Rafael, at Sara ay halos 90 porsiyentong napinsala sa nagdaang kalamidad.


Ikinalungkot ni Sulayao na ang pamamahagi ng relief goods ng gobyerno at pribadong sektor ay karaniwang nakatuon sa mga national highway o sa poblacion ng mga munisipalidad.


“Some areas are receiving relief goods twice or thrice daily,” dagdag ni Sulayao. “But the problem is still in costal or island barangays.” – Tara Yap


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Iloilo, ‘di pa naaabot ng relief operations


No comments:

Post a Comment