Thursday, November 14, 2013

Kano, pinatay ang asawang Pinay, kalaboso

Isang negosyateng Amerikano ang inaresto ng mga tauhan ng Tourist Protection Unit ng Southern Police District matapos mapatay sa gulpi ang kanyang misis na Pinay dahil sa mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Makati City kamakalawa ng hapon.



Nakakulong sa detention cell ng Makati City Police ang suspek na si James Edward Moore II, isang American, residente ng No. 23-SG Amorsolo St., Barangay Poblacion ng nasabing lungsod.


Idineklarang dead-on-arrival sa Makati Medical Center ni Dr. Maria Lourdes Suntay ang biktima na kinilalang si Aiko Baniqued Moore dahil sa matinding bugbog sa iba’t ibnag parte ng katawan at pinsala sa ulo nang iuntog pa siya sa dingding ng kanyang Amerikanong mister.


Sa pagsisiyasat ni SPO1 Rico Caramat ng Investigation Division ng Makati City Police, dakong 4:30 ng hapon nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang mag-asawa sa hindi pa batid na dahilan na humantong sa pananakit ng suspek sa kanyang misis sa loob ng kanilang tirahan.


Hindi pa nakuntento umano ang galit na dayuhan sa ginawang panggugulpi sa misis, biglang hinawakan ng suspek ang ulo ng biktima saka hinampas sa sementong dingding ng kanilang bahay. – Bella Gamotea


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Kano, pinatay ang asawang Pinay, kalaboso


No comments:

Post a Comment