Wednesday, November 20, 2013

KALAMIDAD, PINUPULITIKA

Bilang Cebuano na nag-ipon ng maraming masasayang ala-ala sa naturang lalawigan hal. umakyat ng puno, mamitas ng chiko, o manungkit ng mangga, sumakay ng jeep, magsimba sa lumang simbahan, maglakad sa “down-town”, libutin buong probinsya ilang-ulit, magyapak sa bahay atbp., kaya hindi sana ako mapintasan kung dumighay, na parang winalis ng malakas na 7.2 na lindol lahat ng pinaghabing butil ng aking kabataan kayakap sa tore de kampana ng dinadayong Basilika de Sto Nino. Ito rin ang lindol na nagpaluhod sa Bohol.



Sa pusod ng trahedya, tumpak na asahan sa “Ama ng Bayan” ang agarang pagkalinga sa mga naging biktima; kanilang pamilya; at pagduyan sa mga pangarap at sektor na kailangan ibangon. Heto nga at bumisita noon si P-Noy sa Cebu para tumulong. Ay tamaan ng latak ang baka, namumulitika pa at pinipili ang kulay dilaw at mga taong kakausapin. Umagapay nga sa mga Cebuano pero tumatangi lang sa Liberal at ka-alyado. Sadyang hinawi ang Alkalde ng Cebu City, kahit pa ang mga pasyente ng city hospital at mismong Sto Nino nasa lungsod na dumadaing ng ayuda mula sa Pamahalaan Nasyunal. Nagkaroon pa ng, una ay iringan, na nagtapos sa sagutan si Mayor Mike Rama at Kalihim ng DILG Mar Roxas. Muli, eto na naman ang pamumulitika sa gitna ng kalamidad sa Tacloban Leyte. May mga ka-dugo ako sa nasabing probinsya, liban pa na, sa mismong karagatan unang tinuruan at natuto lumangoy. May mapupulaang “kakilala at kinikilala” sa pakikitungo ng Pamahalaan ni P-Noy sa lungsod ng mga ‘Waray”. Bahid pulitika ang inaatupag sa pag-aambag ng donasyon doon. Ayaw ni P-Noy kay Mayor Alfred Romualdez na tumalo sa bata niya — binisita at inendorso pa ni Kris Aquino, huling halalan. Ngayon pilit na pinapagbitiw si Romualdez ni Secretary Roxas pagkatapos sisihin pa sa kapalpakan ni Yolanda. May tangan sa tenga ni P-Noy yung Sectoral Congressman na tatakbong Mayor uli sa Tacloban City bilang Liberal. Siya itong nabanggit ni Senador Jinggoy Estrada na “pork barrel” binuhos sa Mandaluyong City. Siya din ang nadinggang nag-pondo sa mga tumayong prosecutor-congressmen sa Impeachment Trial ni Chief Justice Renato Corona nang inakyat ito sa Mataas na Kapulungan upang litisin. Siyempre may “budget” ang araw-araw at buwanang mga pangangailangan ng nasabing lupon sa Kongreso para “mabuhay at may-buhay”.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



KALAMIDAD, PINUPULITIKA


No comments:

Post a Comment