Wednesday, November 20, 2013

Nang-hostage ng pamilya sa Naga, arestado

MATAPOS ang tatlong oras na pakiusapan, nakuwelyuhan ng pulisya ang lalaking nang-hostage sa kanyang asawa at pitong anak sa Bicol kaninang umaga, Nobyembre 20.


Isasailalim sa pagsusuri ang suspek na Jonesto Estipani, 28, ng Barangay Concepcion Pequina, Naga City upang makumpirma kung ito ay naka-droga o sadyang may problema lamang.


Sa ulat, naganap ang insidente alas-9:15 ng umaga sa mismong bahay ng pamilya Estipani.


Ayon kay Naga City chief of police Senior Supt. Jose Capinpin, bigla na lamang nagwala ang suspek at ikinulong ang kanyang misis at mga anak na ang pinakamatanda ay 11-anyos sa loob ng kanilang bahay.


Ilang beses pa nitong tinutukan ng kutsilyo ang kanyang mga anak at misis para tumahimik at makinig lamang sa kanyang mga hinanakit.


Eksaktong alas-11:15 nang tuluyang makalusot ang awtoridad sa likod bahay ng suspek hanggang sa tuluyan siyang maaresto.


Wala namang iniulat na nasugatan sa mga biktima na ngayon ay nasa pangangalaga na ng DSWD.


The post Nang-hostage ng pamilya sa Naga, arestado appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Nang-hostage ng pamilya sa Naga, arestado


No comments:

Post a Comment