Wednesday, November 20, 2013

Relief zone, hahatiin sa mga umaayudang bansa

Hahatiin ng Pilipinas ang nasalantang central Visayas sa mga umaayudang bansa upang mapalawak ang relief efforts, 11 araw matapos ang pananalasa ng super typhoon Yolanda.


Sinabi ng military commander ng Visayas, si Lieutenant-General Roy Deveraturda, na ang relief plan ay hahatiin na ngayon ang rehiyon sa mga lugar at pagdedesisyunan kung aling puwersang militar ang kikilos sa aling lugar.



“We’re planning to ask the British Royal Navy to concentrate on the western Visayas region to assess and deliver food, water and supplies to smaller islands… We already have the Americans in Samar and Leyte and Israeli doctors and relief teams in northern tip of Cebu,” aniya.


Halos 50 barko at eroplano ng U.S. ang pinakilos sa disaster zone, sa pamumuno ng USS George Washington aircraft carrier. Ang USS Freedom, ang combat ship para sa coastal waters, ay dumating sa Brunei noong Lunes at patungo ng Pilipinas.


Isang British destroyer ang nakadaong sa Cebu at ang mga helicopter nito ay naglilipad ng mga mercy mission sa maliliit na isla, ayon kay Deveraturda. Isang Canadian team naman na may C10 plane ang umaayuda sa Iloilo.


“We are doing another assessment of the affected areas to determine the needs and match them with our available resources. For instance, we have three Japanese ships with ground mobility and heavy equipment arriving in several days and we’ll look at where and how they would be effective,” aniya.


Sa huling tala umabot na sa 4000 katao ang nasawi sa bagyong Yolanda na nanalasa noong Nobyemre 8, at pinakamatinding tinamaan ang Leyte.


Sinabi ng gobyerno noong Martes na 24,770 personnel, 1,306 behikulo, 104 na barko at 163 aircraft ang naka-deploy. May kabuuang 88 medical team, 43 banyaga at 45 lokal, ang nakakalat sa rehiyon. – Reuters


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Relief zone, hahatiin sa mga umaayudang bansa


No comments:

Post a Comment