Saturday, November 9, 2013

6 teams, magkakasubukan sa PSC Chairman’s Baseball Cup ngayon

Magkakasubukan ng husay ngayon ang anim mula sa kabuuang 16 na koponan sa paghataw ng unang Philippine Sports Commission (PSC) Chairman’s Baseball Cup sa makasaysayang Rizal Memorial Baseball Stadium.


Ipinagpaliban ng nag-organisang PSC ang dapat sana’y ang laro kahapon bunga na rin sa pag-aalala sa kaligtasan at kapakanan ng mga miyembro ng mga kalahok na koponan.



Sinabi ni PSC Commissioner at Officer-in-Charge Jose Luis Gomez na magsisimula ang bakbakan sa ganap na alas-8:00 ng umaga, kung saan ay tatlong laro ang matutunghayan. Bago ang hatawan, kinailangan munang linisin at ayusin ang field dahil sa iniwang perwisyo ng super typhoon na ‘Yolanda’.


“It’s all system go today,” pahayag ni Gomez sa text message sa Balita.


Nakatakdang magsagupa ang collegiate league champions na University of Santo Tomas at Adamson University sa unang laro bago sundan ng dalawa pang laban sa pagitan ng Bulacan State University at Rizal Technological University at National University kontra sa Titans.


Bilang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong ‘Yolanda,’ ipinakalas ng PSC ang mga pasilidad nito na tulad ng flooring sa Rizal Memorial Stadium at maging ang tumbling mat sa Gymnastics. Agad ding pinabaklas ng PSC mga gamit sa Ninoy Aquino Stadium at Tennis Center.


Matatandaan na una nang binaha ang buong Rizal Memorial Sports Coliseum kung saan ay umabot sa kabuuang P25 milyon ang naging pinsala sa iba’t ibang pasilidad sa makasaysayang 78-taong stadium.


Inaasahan naman na magkakaharap ang mga pinakamagagaling na koponan sa baseball sa bansa sa pagsambulat ng torneo simula ngayon na matatapos sa Disyembre 17.


Maliban sa AdU, UST, RTU, BULSU, NU at Titans, sasagupa din para sa titulo ang Ateneo De Manila, Philab, Throwback Team, Philippine Air Force, Navy, Alabang Zobel, University of the Philippines, Bulacan Agricultural State University, Dragons

at De La Salle University.


Ang torneo ay posibleng maging basehan din para sa hinahangad na magkaroon ng mga miyembro ang pambansang koponan matapos ang dalawang taong pagkawala ng national team sa baseball.


Nakataya sa torneo ang premyong P50,000 para sa magkakampeon habang P25,000 sa runner-up kasama ang tropeo at team equipment. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



6 teams, magkakasubukan sa PSC Chairman’s Baseball Cup ngayon


No comments:

Post a Comment