Monday, November 25, 2013

Julie Ann San Jose, tumanggi sa project ng mga sikat na singer

Julie Anne San Jose


KINAILANGAN pa naming i-research at ipagtanung-tanong kung sino ang singer na si Julie Anne San Jose na talent pala ng GMA-7 dahil bukod tanging siya ang tumanggi sa project ng kilalang singers ng bansa.



Napag-alaman namin na nagkaisang mag-record ang topnotch singers natin na kinabibilangan nina Lea Salonga, Regine Velasquez, Charice, Zsa Zsa Padilla, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Martin Nievera, Gary Valenciano, Christian Bautista, Sarah Geronimo, at maraming iba pa ng awiting The Prayer na kinanta nina Celine Dion at Josh Groban para sa pagkalap ng pondo na ilalaan sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.


Mala-We Are The World ang peg, Bossing DMB ang pagre-reklord ng The Prayer at isa si Julie Anne San Jose sa mga inimbitahan pero tumanggi raw ang GMA-7 dahil may sariling awitin din daw na ini-record ang nasabing singer.


Napa-whoa kami sa kuwentong ito sa amin ng mismong taga-Siyete na hinayang na hinayang na ayaw sumama ang talent nila sa nasabing proyekto.


“Nakakahinayang, di ba? Imagine, mapapasama siya sa mga sikat, eh, admittedly, hindi naman sikat pa itong alaga namin. Ewan ko kung ano’ng plano ng GMA sa kanya,” kuwento sa amin.


Oo nga naman, naisip ba ito ng GMA na malaking bentahe sana ito para sa alaga nilang hindi pa gaanong kilala?


Susme, maging choosy pa ba? Hindi siya kawalan. –Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Julie Ann San Jose, tumanggi sa project ng mga sikat na singer


No comments:

Post a Comment