Monday, November 25, 2013

P55.4-B pondo sa ‘Yolanda’ oks sa Senado

UMABOT sa P55.4- bilyon ang nahanap na pondo ng Senado upang mailaan sa relief and rehabilitation ng mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda kabilang ang iba pang kalamidad na tumama sa bansa.


Sa panayam, sinabi ni Senate President Franklin Drilon na mahigpit na tututukan ng Kongreso ang paggamit ng naturang pondo na inilaan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan bukod pa sa regular na calamity funds na kontrolado ni Pangulong Aquino.


Sinabi ni Drilon na prayoridad ngayon ng Kongreso na makahanap ng pondo na maaaring magamit ng pamahalaan upang mapalakas ang relief and rehabilitation sa lugar na lubhang sinalanta ng nakaraang kalamidad partikular ang bagyong Yolanda.


Ayon kay Drilon, kukunin ang ilang bahagi ng P55.4 bilyon sa panukalang P14.6 bilyong supplemental budget mula sa hindi nagamit na pork barrel matapos ideklara ng Supreme Court na illegal ang paggamit nito kabilang ang matitirang P20.8 bilyon calamity funds sa kasalukuyang taon na hindi magagamit.


May inilaan din na halagang P20 bilyong rehabilitation fund ang Kongreso sa 2014 national budget. Bukod ang naturang pondo sa regular na badyet para sa calamity and quick response funds na nakalagay na sa pambansang badyet sa susunod na taon.


Sinabi ni Drilon na kailangan mahigpit na bantayan ng Kongreso ang mga ahensiyang gagamit sa naturang ponndo upang maisiwalat sa bayan ang pinuntahan ng rehabilitation fund.


The post P55.4-B pondo sa ‘Yolanda’ oks sa Senado appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



P55.4-B pondo sa ‘Yolanda’ oks sa Senado


No comments:

Post a Comment