Monday, November 25, 2013

2 bronze, kinubra ng UP Pep Squad

Nag-uwi ng dalawang bronze medals ang multi-title UAAP cheerdance champion University of the Philippines Pep Squad sa kanilang ginawang paglahok sa nakaraang 7th Cheerleading World Championships (CWC) sa Bangkok, Thailand.



Dahil sa kanilang panalo sa Cheer Mixed at sa Group Stunts Mixed categories sa pagkakataong ito, nagawang lagpasan ng UP Pep Squad ang kanilang naging performance noong nakaraang edisyon ng kompetisyon kung saan kasama nila ang Centro Escolar University at Polytechnic University of the Philippines cheering squads na nanalo ng bronze sa Cheer Mixed category sa Hong Kong noong 2011.


Kapwa nila nakuha ang tagumpay at umakyat sa sa podium sa magkaibang kategorya para sa dalawang araw na kompetisyon.


Sa Cheer Mixed category, tumapos ang UP Pep Squad na may kabuuang 408.5 puntos, sa likuran ng powerhouse Japan (517) at Thailand (496.5).


Sa Group Stunts Mixed category, nagtapos naman silang may kabuuang 223.5 puntos, sa likuran ng nagkampeong Russia (247.5) at runner-up Thailand (239.5).


Dahil dito, nadagdagan pa ang naunang mga napanalunan ng UP Pep Squad sa taong ito na kinabibilangan ng gold medals sa Philippine National Games, 1 silver at 1 bronze sa Cheerleading Asia International Open Championships sa Japan at runner-up finish sa nakaraang UAAP Cheerdance Competition. – Marivic Awitan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



2 bronze, kinubra ng UP Pep Squad


No comments:

Post a Comment