Wednesday, November 6, 2013

Judge sa Capiz pinagmulta ng P21,000

PINATAWAN ng multa na P21,000 at binigyan ng warning si presiding judge Hannibal Patricio batay sa nakasaad sa Rules of Court sa ilalim ng Discipline of Justices and Judges.


Nahatulang guilty sa gross ignorance of the law ang isang hukom ng Municipal Circuit Trial Court sa President Roxas, Capiz.


Napatunayan ng Supreme Court (SC) First Division na nagpalabas ng desisyon, na may pananagutan si Patricio para sa gross ignorance of the law dahil sa pagkaantala at pagtangging magpalabas ng writ of execution para sa isang final judgment.


Nakasaad pa sa desisyon ng kataas-taasang hukuman ng Pilipinas na nagpakita ang respondent judge ng kakulangan ng “familiarity” sa mga batas, rules at regulations.


The post Judge sa Capiz pinagmulta ng P21,000 appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Judge sa Capiz pinagmulta ng P21,000


No comments:

Post a Comment