Wednesday, November 6, 2013

Bantang pag-alis sa visa free ng Pinoys sa HK tatapatan ng Malakanyang

TATAPATAN ng Malakanyang ang banta ng mga mambabatas ng Hong Kong na tatanggalin ang visa free privilege ng mga Pilipino na magtutungo roon.


Gayunman, tiniyak ng palasyo na igagalang nila ang freedom of travel ng isang teritoryo at ang epekto nito sa kanilang bansa.


Naniniwala naman ang Malakanyang na hindi itutuloy ng Hong Kong ang planong pagpapakuha ng visa sa mga Pinoy na gustong magtungo sa Hong Kong.


Ito ay dahil malaki ang mawawala sa Hong Kong dahil isa ang Pilipinas sa pinakamalaking grupo ng mga turista na nagtutungo sa nasabing bansa.


Ang planong pagtanggal sa visa free privilege ng mga Pinoy ay kasunod pa rin ng kabiguan ng Hong Kong na makuha ang minimithing public apology ng national government para sa naganap na hostage crisis noong 2010 na ikinamatay ng walong Hong Kong nationals.


The post Bantang pag-alis sa visa free ng Pinoys sa HK tatapatan ng Malakanyang appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bantang pag-alis sa visa free ng Pinoys sa HK tatapatan ng Malakanyang


No comments:

Post a Comment