Wednesday, November 6, 2013

Aktor, niregaluhan ng mansiyon

Ni Jimi C. Escala


Blind Item JUICY ang tsika sa amin ng isang non-showbiz friend na niregaluhan daw ng maimpulwensiyang showbiz gay personality ng mansiyon na nagkakahalaga ng mahigit P20 milyon ang isang aktor na hindi pa gaanong sumisikat.


Kuwento ng aming source, masunurin daw si Aktor sa kanyang gay benefactor kaya lahat daw ng hinihiling nito ay more than willing na ibinibigay agad.



Kamakailan lang daw nagkakilala ang gay personality at ang aktor na hindi pa gaanong sumisikat.


Dagdag pa ng source, hindi lang naman projects o shows ang courtesy ng benefactor sa aktor na hindi pa gaanong sumisikat kundi pati personal na mga pangangailangang pinansiyal.


Pero pinakabongga raw talaga ay ang ibinigay na mansiyon na nasa isang exclusive subdivision sa Quezon City.


Konting clue? Hindi na matatawag na “young actor” ang apple of the eye ng maimpluwensiyang showbiz gay personality na super lakas ng sex appeal. Katunayan, maraming bading ang nag-iilusyon sa aktor na kung ilang beses na rin namang nabigyan ng magagandang exposures sa TV pero hindi naging maganda o mainit ang dating sa televiewers.


Kaya nananatiling “one of those” si Aktor.


Isang kaibigang pulitiko lang naman ang source namin sa kuwentong ito. Ang mga kasambahay daw niya (pulitiko, sa malapalasyo rin niyang bahay) ang nagkuwento sa kanya na nakikita ng mga ito si aktor na hindi pa gaanong sumisikat at ang gay benefactor sa ipinapatayong bahay malapit sa tinitirhan nila!


Esep-esep….


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Aktor, niregaluhan ng mansiyon


No comments:

Post a Comment