Friday, November 22, 2013

John Lloyd, tumigil na sa paglalasing

ni Reggee Bonoan


JOHN Lloyd Cruz ITINIGIL na raw ni John Lloyd Cruz ang bisyo nitong pag-inom ng alak ayon sa taong malapit sa kanya.


“Uy, payat na si John Lloyd ngayon, hindi na raw siya umiinom kasi namamaga na ang gout niya. Eh, siyempre conscious na ang lola rna at nagkakaedad na,” bungad na kuwento sa amin ng common friend namin ni Lloydie.



Naikuwento rin sa amin na panay daw ang gym ngayon ng aktor para magbawas ng timbang bukod pa sa pinaghahandaan nita ang sitcom nila ni Toni Gonzaga na Home Sweetie Home at pelikulang pagsasamahan nila nina Richard Gomez, Jessy Mendiola at Gretchen Barretto (kapalit ni Dawn Zulueta).


Biniro namin ang source namin na, ‘Mabuti naman at conscious na si JLC sa katawan niya.”


“Oo nga, siya lang naman ang leading man ng ABS-CBN na masyuba kasi wala naman siyang pakialam dati, pero ngayon conscious na siya at talagang nagpapayat siya.”


Namamaga raw kasi kung minsan ang paa ng aktor kaya tinigilan na nito ang madalas na pag-inom.


Samantala, klinaro ng aming kausap na hindi ang Home Sweetie Home ang kapalitng Toda Max dahil sa 2014 pa raw

ang airing ng nasabing sitcom nina Toni at Lloydie.


“Hindi naman same timeslot kasi earlier at saka ayaw ni John Lloyd na late na umere kasi hindi na makakapag-place ng ads

ang mga produktong iniendorso niya,” sey ng aming kausap.


Hmmm, pero ana itong tsikang narinig namin na kung itinigil o binawasan na ng aktor ang paglalasing niya, mukhang ang girlfriend naman niyang si Angelica Panganiban ang napapadalas uminom?


.. Continue: Balita.net.ph (source)



John Lloyd, tumigil na sa paglalasing


No comments:

Post a Comment